Batang babae, minolestiya umano ng ama at lolo

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2016 06:38 PM

BATANGAS - Isang anim na taong batang babae sa Tanauan City ang hinalay at minolestiya umano ng kanyang ama at lolo.

Nadiskubre ng pamilya ni alyas "Baby" ang nangyari sa kanya matapos magsumbong ang kapitbahay nila tungkol sa ginawa ng bata sa kanyang kalaro.

Ayon kay Lola "Josefa," hinubaran ni Baby at hinawakan ang katawan ng kanyang kalaro.

Ikinagulat ng lola ni Baby ang sagot nito kung saan niya natutunan ang ginawa niya sa kanyang kalaro. Ayon sa bata, ginawa ito sa kanya ng kanyang ama at lolo.

Kaagad nilang inireport sa pulis ang pangyayari. Dinakip ng mga pulis ang ama at lolo ng bata.

Ayon naman sa mga suspek, hindi raw nila ito kayang gawin sa biktima. Ginigipit umano sila ng lola ng bata para magbigay ng pera pamparehistro kay Baby.

Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng medico-legal sa bata bago maisampa ang kaso laban sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.