Pagsuot ng face shield sa Davao International Airport, ipinatutupad na

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2020 01:20 PM

Pagsuot ng face shield sa Davao International Airport, ipinatutupad na 1
Lahat ng pasahero maging flight crew at staff sa Davao International Airport ay kailangan na rin magsuot ng face shield bukod sa face mask. Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Ipinatutupad na ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng papasok sa Davao International Airport simula pa lamang noong Sabado.

Bukod sa face mask, ang mga pasahero at flight crew at staff ay kailangan din magsuot ng face shield.

Ang pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP-11 ang nagpatupad nito.

Kailangan nila itong ipatupad dahil karamihan sa mga naitalang kaso sa Davao Region at dumating sa airport ay bumiyahe mula sa mga high-risk areas sa Pilipinas.

Samantala, balik-normal na ang flight schedule sa naturang paliparan pero limitado lamang sa dalawang flights--papunta at pabalik sa isang destinasyon--araw-araw.