Kuha ni Luisse Rutao/Pampanga PIO
GUAGUA, Pampanga - Muling in-extend nitong Biyernes ang lockdown sa Guagua Public Market hanggang Agosto 27 para masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili sa bayan.
Ito'y matapos magpositibo sa COVID-19 ang 2 tindero at isang kawani ng palengke.
Ayon sa Pampanga provincial government, ang lockdown rin ay para magbigay-daan na rin sa contract-tracing ng lahat ng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa palengke.
Sinimulan na ang disinfection ng buong Guagua Public Market. Pinangunahan ng general services office (GSO) ang disinfection sa nasabing palengke.
Sa huling tala ng provincial epidemiology and surveillance unit, nasa 37 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Guagua, habang pumalo na sa 668 ang dami ng inpeksyon sa buong Pampanga.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Guagua, Pampanga, Guagua Public Market, Guagua lockdown, Pampanga lockdown, palengke, COVID-19 updates, coronavirus updates, Regional news, Tagalog news