4 patay dulot ng COVID-19 sa Bacolod, Negros Occidental

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2020 03:43 AM

Apat ang namatay dulot ng COVID-19 sa lungsod ng Bacolod at sa lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa pinakahuling COVID-19 bulletin ng Department of Health-Region 6, 3 ang galing sa iba't-ibang bayan sa Negros Occidental habang 1 mula Bacolod.

Nasa 19 naman na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Negros Occidental, at 9 naman sa Bacolod.

Mga 30 na pasyente ang gumaling sa Bacolod habang 3 naman sa Negros Occidental.

Sa kabuuan, mayroong 849 cases na ang nakumpirma sa Negros Occidental at 613 naman sa Bacolod. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.