Lalaki arestado sa bintang na pagtangay ng bata sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 07:38 PM | Updated as of Aug 22 2019 01:20 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasagip noong Martes ng mga tanod ang 7 taong gulang na lalaki mula sa lalaking tumangay sa kaniya sa Barangay San Vicente, Quezon City.

Pauwi umano ang bata sa kanilang bahay nang hatakin ng suspek na si Jonathan Morine, isang mangangalakal, at takutin na kung mag-iingay ay papatayin.

Dinala ang bata sa Barangay Valencia, Quezon City kung saan siya nasagip ng mga tanod matapos maghinala sa kilos ng bata.

Modus ng suspek ang manguha ng mga batang gagamitin sa sindikato, ani Willy Real, barangay chairman ng San Vicente.

Samantala, ibinunyag naman ng isa sa 3 bata mula Quezon City na higit isang buwang nawala dahil umano ay ikinulong g iang lalaki sa Pampanga na sinasaktan at minsan ay hindi siya pinapakain ng suspek.

Dinampot ng Quezon City Police District sa San Fernando, Pampanga noong Martes ang lalaking tumangay sa 3 bata.

Ayon sa mga biktima ay minolestiya sila ng suspek, na nakilala nila malapit sa isang eskuwelahan.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong qualified trafficking, paglabag sa Anti-Child Abuse Law, at paglabag sa Anti-Rape Law.-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.