Inmate patay matapos tumalon mula Manila City Hall

Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 04:35 PM

MANILA — Patay ang 66-anyos na inmate nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng Manila City Hall Miyerkoles ng hapon.

Sinubukan pang sagipin ang buhay ng inmate na dinala sa Justice Jose Abad Santos General Hospital pero idineklarang dead on arrival, ayon sa report ng Manila City Police at Manila City Hall Public Information Office.

Isasailalim dapat sa inquest proceedings sa prosecutor’s office ang inmate pero tinangka umano niyang tumakas, ayon sa awtoridad.

Nabatid na nahuli ang inmate ng Pandacan Police Station Martes dahil sa pangmo-molestiya umano ng 7-anyos na bata.