Factory worker sa Subic natagpuang patay, may 38 na saksak

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 08:06 PM


SUBIC, Zambales — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 30 anyos na babae sa bayan na ito matapos siyang matagpuang patay at tadtad ng saksak nitong Miyerkoles.

Batay sa ulat ng pulisya, 37 saksak sa katawan at 1 saksak sa pisngi ang tinamo ni Carmela Catindig, isang factory worker sa Subic Bay Freeport Zone.

Pinuntahan daw ito ng kaniyang mga kapitbahay matapos mabigong pumasok sa trabaho pero wala nang buhay si Catindig ng datnan. 

Hubo't hubad din daw ang biktima nang matagpuan sa kaniyang kama.

Nag-iisa lang ang biktima sa bahay nang mangyari ang krimen.

Pagnanakaw ang tinitingnang motibo sa krimen dahil nawawala umano ang cellphone at alahas ng biktima.

—Ulat ni John Mark Guda, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.