Child actress Sophie Corullo pumanaw dahil sa dengue

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 07:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pumanaw noong Linggo sa edad na 6 ang batang aktres na si Sophie Corullo dahil sa severe dengue.

Bago pumanaw, lumabas si Sophie sa episode ng "Maalaala Mo Kaya" na ipinalabas noong Sabado. Kasama niya sa episode sina Yen Santos at Rafael Rosell.

Sa kaniyang Instagram stories, inialay ni Santos ang mataas na rating ng "Maalaala Mo Kaya" episode para kay Sophie.

Subalit hindi nag-iisa si Sophie sa kanilang magkakapatid na may dengue dahil patuloy na lumalaban sa ospital ang isa pang kapatid na tinamaan din ng sakit.

Ipinayo ni Angeli Corullo, ina ni Sophie, sa ibang magulang na huwag balewalain ang karamdaman ng mga anak.

"[Maging] more cautious lang sila na hindi pala porke nawala na 'yong lagnat, okay na 'yon," aniya.

Lumabas noong nakaraang taon si Sophie bilang contestant ng "Mini Me" segment ng "It's Showtime."

Umabot na sa 188,562 kaso ng dengue ang naitala ng Department of Health simula Enero hanggang Agosto 3.-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.