5 arestado sa tangka umanong pag-kidnap sa Chinese national

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 01:02 PM

MAYNILA — Arestado ang 5 suspek sa Makati City matapos umano nila tangkaing kidnapin ang isang Chinese national noong Martes.

Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), naaktuhan ng Makati police ang komosyon sa Kalayaan Avenue sa Barangay Poblacion kung saan sapilitan daw isinasakay sa van ang Tsino.

Sinita ng mga rumorondang pulis ang mga lalaki pero nag-alok daw ito ng P100,000 na suhol kapalit ng pananahimik.

Doon na inaresto ang 5 suspek, na natuklasang kikidnapin pala ang kasamang Chinese national.

Inihahanda na ang mga kasong kidnapping at bribery laban sa 5 suspek.

—Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.