11 tiklo sa droga sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 04:04 AM

MAYNILA—Naaresto ng mga pulis ang 11 drug personalities sa buy-bust operation sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City Martes ng gabi.

Pawang nasa drugs watch list ng lugar ang mga suspek, ayon sa pulisya.

Batay sa paunang ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3, nakabili ang nagpanggap na buyer ng P1,200 halaga ng hinihinalang shabu sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 sachet ng umano'y shabu na may halagang P13,000 at drug paraphernalia.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.