Pugante mula Bacoor jail balik-kulungan na

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2018 06:56 PM | Updated as of Aug 22 2018 06:31 AM

MAYNILA - Balik-kulungan na ang isa pang presong nakapuga sa Bacoor City Jail noong Hulyo 27.

Sumuko nitong Martes sa Dasmariñas City police si Junmarco Empeno Castro.

Ang pagkamatay ng isang drug suspect sa engkwentro noong Sabado ang nag-udyok sa kaniya na sumuko. Kasama niya itong naaresto noong Mayo dahil sa ilegal na droga.

Nakatakdang i-turn over sa Bacoor City Custodial Center si Castro.

Mahaharap siya sa dagdag na kasong malicious mischief, physical injuries, at direct assault.

Handa namang makipagtulungan si Castro para matunton ang ilang kasamahang tumakas.

Sa pagka-aresto ni Castro, 5 na lamang mula sa naunang 23 na nakapugang preso ang tinutugis ng pulisya. - ulat nina Lady Vicencio at Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.