Lalaking nangholdap at nanggahasa sa kaniyang biktima, napatay

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2018 04:32 AM

MAYNILA - Patay ang isang hinihinalang holdaper sa engkuwentro ng mga pulis sa Bagong Silang, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si alyas Jepoy na umano'y ginahasa pa ang kaniyang hinoldap na dalagita.

Ayon kay Chief Insp. Raymond Nicolas, hepe ng Caloocan City Police Community Precinct 3, nakipagbarilan umano ang suspek sa follow-up operation.

Positibong kinilala ng biktima at kaniyang kaibigang lalaki ang napatay na suspek na siyang nangholdap sa kanila.

Naglalakad ang magkaibigan pauwi nang harangin at tutukan ng baril ng suspek.

Ginahasa pa umano ng suspek ang dalagita sa harap ng kaniyang kaibigan.

Tinangay ng suspek ang mga cellphone at higit P600 ng magkaibigan.

Ayon sa pulisya, dati nang may mga kaso ng panghoholdap ang suspek. - Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.