P500,000 halaga ng shabu, kumpiskado sa Baguio

Melinda Ramo, ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2017 07:28 PM

BAGUIO CITY - Hindi bababa sa P525,000 ang halaga ng shabu na nakumpiska ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Irisan, Baguio City kamakailan.

Nasabat ang 105 gramo ng shabu mula sa mga umano'y tulak ng droga na sina Brian Leonille Dris, Aaron Paul Vergara, at isang babaeng suspek na hindi pa pinapangalanan.

Ayon sa mga pulis, nakuha rin ang hit sa 8 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,850 mula sa mga suspek.

Haharap ang tatlo sa mga kasong paglabas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.