Ilang bahagi ng QC, binaha dahil sa lakas ng ulan

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2017 06:25 PM | Updated as of Aug 22 2017 12:32 AM

Lubog sa baha ang ilang bahagi ng Quezon City dahil sa magdamag na pag-ulan, Lunes.

Ayon sa monitoring ng Quezon City Police District, hindi na maaaring daanan ng mga mabababang sasakyan ang mga sumusunod na kalsada:

- Dapitan Kanlaon to Dapitan Mayon (gutter-deep)
- P. Tuazon Blvd. (gutter-deep)
- Lakandula, Brgy. Marilag, Project 4 (gutter-deep)
- Gumamela Street, Brgy. Roxas District (knee-deep)
- Waling-Waling Street, Brgy. Roxas District (knee-deep)

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomic Service Administration (PAGASA), asahang mas titindi ang ulan na dala ng habagat dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong "Isang."

"Bukas ng umaga, lalakas siya at aabot sa kanyang intensity na severe tropical storm," ani Aldczar Aurelio, PAGASA meteorologist.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.