Bahagi ng hotel sa Taguig nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2017 10:18 AM

MANILA - Nasa 3 oras nasunog ang bahagi ng Grand Hyatt Hotel Bonifacio Global City sa Taguig, Lunes.

Nagsimula ang sunog sa power supply sa ika-2 palapag ng gusali sa 7th Avenue.

Naapula ang apoy alas-8:43 ng umaga, ayon kay fire marshall Chief Insp. Flor-Ian Guerrero.

Hindi naman naapektuhan ng sunog ang ibang bahagi ng gusali.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng aberya sa power supply kasabay ng pagtaya sa halaga ng pinsalang iniwan ng insidente. -- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.