9 patay sa pag-atake ng Abu Sayyaf sa Basilan

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2017 09:02 PM

Patay ang siyam na sibilyan sa pag-atake ng hinihinalang Abu Sayyaf sa Barangay Tubigan, Maluso, Basilan nitong madaling araw ng Lunes, Agosto 21.

Ayon sa isang residente, bandang alas-5 ng madaling araw nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril sa kanilang lugar.

Courtesy: Kilo India

Nagkumahog daw ang mga residenteng lumabas ng kanilang bahay para makalayo sa karahasan.

Sinunog din ng mga bandido ang dalawang bahay at ang multi-purpose hall ng barangay.

Tinukoy ng pulisya na nasawi sa pag-atake sina Reynaldo Esparcia, Radzma Arakani, Radzma Hasan, Carmina Dela Cruz, Aktan Jalad, Ajid Nasiri, Ryan Joplo, Baby Arakani, at Andok Haikin.

Siyam na iba pa ang sugatan na tinukoy bilang sina Lukaya Arakani, Joey Dela Cruz, Julhari Arakani, Mariam Dela Cruz, Jessie Dela Cruz, Tarhata Arakani, Avel Laping, Solo Arakani, at Roderick Villarin.

Courtesy: Kilo India

Dinala sila sa ospital para mabigyang lunas.

Ayon sa awtoridad, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga umatake.

-- Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.