3 timbog sa pagbebenta umano ng marijuana

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2017 04:11 PM

Timbog sa buy-bust operation ang isang estudyante at 2 kasabwat nito sa umano'y pagbebenta ng marijuana sa ilang mag-aaral sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Eunice Zeta, 27, estudyante ng EARIST batay sa kanyang ID; Ralph Norman Peñaflor, 25; at si John Ross Ong, 18, residente ng Barangay San Antonio.

Ikinasa ng pulisya sa Quezon City ang operasyon matapos mahulihan ng isang guro ang kanyang 16-anyos na estudyante ng isang sachet ng marijuana.

Narekober sa 3 suspek ang 1/4 kilo ng marijuana na tinatayang aabot sa P11,000 ang halaga. Samantala, nasa pangangalaga na ng DSWD ang menor de edad na nakuhanan ng damo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.