20 bahay nasunog sa Zamboanga

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2017 04:00 PM

ZAMBOANGA CITY - Hindi bababa sa 20 bahay ang nasunog sa Barangay Sto. Niño, Lunes ng umaga.

Patuloy pang inaalam ang dahilan ng sunog na nagsimula sa bahay ni Soraida Sajili, 53-anyos, ayon kay Insp. Clint Cha, hepe ng Bureau of Fire Protection

Inaalam pa ng lokal na pamahalaan kung ilang pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.