PatrolPH

SAPUL SA VIDEO: Mga jeepney driver sa Cebu nagsuntukan sa kalye

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2022 09:53 AM

Nakuhanan ng isang netizen ang suntukan ng mga konduktor at driver ng modern jeep sa Cebu City nitong Miyerkoles ng umaga.

Ibinahagi ni Boyet Heyrosa ang eksena kung saan nag-aagawan umano ang mga driver at konduktor sa mga sasakay na pasahero sa N. Bacalso Avenue. 

Dagdag niya, nagsisigawan pa ang mga ito habang tumatakbo ang kanilang mga minamanehong modern jeep, bago ipinarada ang mga ito para magsuntukan sa may Brgy. Bulacao. 

Watch more News on iWantTFC

Gulat naman ang mga sakay na pasahero nila dahil naghabulan din ang mga nagsuntukan. 

Inawat sila ng mga traffic enforcer ng Cebu City Transportation Office (CCTO) upang bumalik sa kani-kanilang mga biyahe dahil nagdulot na ng traffic ang kanilang away. 

Inaalam naman ng CCTO kung may mga violation ang mga sangkot sa pangyayari na maaaring humantong sa suspensiyon o pagbabayad ng multa. – Ulat ni Annie Perez

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.