PatrolPH

Anak ng nahuling wanted sa Aklan binigyan ng school supplies

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2022 01:39 PM

Binigyan ng pulis ng school supplies ang anak ng nahuling wanted na lalaki sa Aklan. Larawan mula sa Tangalan MPS
Binigyan ng pulis ng school supplies ang anak ng nahuling wanted na lalaki sa Aklan. Larawan mula sa Tangalan MPS

Nahuli sa manhunt operation sa kasong attempted qualified theft ang isang wanted na lalaki sa bayan ng Tangalan, Aklan.

Napag-alaman ng pulisya na may anak ang akusado na papasok na sa Grade 1 at wala pang gamit sa eskuwela. Sa Lunes, Agosto 22, ang unang araw ng pasukan.

Dahil dito, binigyan ni PSMS Jonel Octavio ng school supplies ang anak ng nahuling wanted gaya ng notebook, bag, papel, ballpen, lapis, tumbler, school shoes, at tsinelas.

Mga sobra umanong gamit ng anak ng pulis na hindi nagagamit ang mga ibinigay na school supplies.

Nagpasalamat ang nahuli sa pulis na nagbigay ng school supplies sa kaniyang anak. — Ulat ni Rolen Escaniel

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.