PatrolPH

State of calamity idedeklara sa Guagua, Pampanga dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2021 07:47 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nakatakdang magdeklara ng state of calamity ang bayan ng Guagua sa Pampanga dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Umabot na sa 437 ang active cases doon at 109 ang namatay, ayon kay Guagua Mayor Dante Torres.

Dalawang barangay aniya ang naka-lockdown at halos puno na rin ang kanilang mga hospital at quarantine facilities.

"Mas maganda ang state of calamity dahil unang-una nangangailangan kami ng pondo rito to sustain 'yung mga ni-lockdown natin," ani Torres sa panayam sa Teleradyo Biyernes.

Dahil kapansin-pansin ang mabilis na hawaan ng sakit, iniutos ng lokal na pamahalaan na isailalim sa testing, hindi lamang iyong mga direktang nakasama ng mga COVID-19-positive, kundi pati ang mga secondary contact.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.