MAYNILA - Ipinatayo ang anim na off-site dormitory sa Quezon City Memorial Circle, na ilalaan para sa mga medical frontliner.
Pinasinayaan ito ng Quezon City local government unit, Inter-Agency Task Foce, Department of Public Works and Highways, at Department of Health.
May 16 na kuwartong naka-aircon at may CR, may living area, dining area, at kusina.
Mayroon ding laundry area at computer sa bawat dormitoryo.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, sa mga medical frontliner na nagtatrabaho sa mga ospital ilalaan ang mga dormitoryo dahil mapapalapit na sila sa mga ospital at hindi na sila mahihirapan pang bumiyahe.
Collapsible ang mga dormitoryo, ayon kay DPWH Undersecretary Emil Sadain kaya mapapakinabangan ang mga ito kahit matapos ang pandemya para sa mga lugar na maaapektuhan ng kalamidad gaya ng bagyo at lindol.
— Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, coronavirus, COVID-19, coronavirus Philippines update, COVID, coronavirus disease Philippines, COVID-19 Philippines update, QC LGU dormitory, dormitory frontliners, frontliners dormitory QC