#WalangTubig: Ilang lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad, Agosto 21

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 11:19 PM

MAYNILA—Nag-abiso ang water concessionaire na Maynilad na magkakaroon ng kahinaan ng pressure o kawalan ng supply ng tubig sa ilang parte ng Luzon sa Miyerkoles, Agosto 21.

Narito ang mga apektadong lugar:

  • Parañaque City
  • Las Piñas City
  • Manila
  • Caloocan City
  • Malabon City
  • Navotas City
  • Quezon City
  • Pasay City
  • Makati City
  • Valenzuela City
  • Muntinlupa
  • Bulacan
  • Cavite
    - Bacoor
    - Imus
    - Noveleta
    - Rosario
    - Kawit

Paliwanag ng Maynilad, hindi umano umulan sa Ipo Watershed nitong mga nakaraang araw kaya nabawasan ang tubig na dumadaloy rito.

Samantala, kahit na tumataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam, nasa 36 cubic meters per second mula sa normal na 48 cubic meters per second lamang ang alokasyon pa rin ng tubig sa Metro Manila. 

Payo nila sa mga kustomer na mag-ipon na ng tubig. Para sa kumpletong listahan, i-click ang link na ito.—Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News