SK chairman tiklo sa buy-bust sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 06:23 PM

Arestado ang isang Sangguniang Kabataan chairman sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Bulibulihan sa bayan ng Mabinay, Negros Oriental, Lunes ng gabi.

Ayon sa pulis, itinuturing na isang high-value target ang 19-anyos na suspek na si Adonis Cabugnason, SK chairman ng Barangay Canggohob.

Sabi ng pulisya, dati na ring sumuko dahil sa ilegal na droga ang suspek.

Nakuha mula sa suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu. Narekober din ng awtoridad ang P500 na buy-bust money.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.