P60,000 natangay sa tindahan sa Laguna; bata, 'kasabwat' tinutugis

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 04:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinutugis ngayon ng pulisya ang dalawang lalaking tumangay umano ng P60,000 sa isang tindahan ng saging sa palengke sa Biñan, Laguna. 

Base sa kuha ng CCTV noong Agosto 18, makikitang nakaupo ang tinderang si Loida Mahilum nang lapitan ng isang lalaki. 

Habang kausap ng tindera ang lalaki, sumulpot ang isang bata sa ilalim ng mesa at agad na kinuha ang bag sa tindahan. 

Ayon kay Mahilum, ang pera ang naipon niya sa pagtitinda. Abala aniya siya sa lalaking bumibili ng saging.

Hinala niya, kasabawat ito ng batang tumangay ng kaniyang bag. 

May mga naka-duty na opisyal malapit sa tindahan pero hindi nahuli ang dalawang kawatan. 

Patuloy na iniimbestigahan ng Biñan police ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.

Muli rin silang nagpaalala na huwag maging kampante sa seguridad ng gamit. 

-- Ulat ni Karren Canon, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.