Halos 800 na pasahero, pinababa matapos ang aberya sa MRT-3

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 06:46 PM

MANILA - Halos 800 na pasahero ang pinababa nang magka-aberya ang isang tren ng MRT-3 sa Ayala station southbound Martes.

Nakasakay naman sa susunod na tren ang mga pinababang pasahero matapos ang 11 minuto mula ng insidente.

Ayon sa mga opisyal ng MRT, nakaranas ng electrical failure ang motor ng tren dahil sa pumalyang electrical sub-components nito.

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT dahil sa aberya.

Sa tala ng MRT, ito ang una nitong aberya sa buwan ng Agosto.

Mula Enero 2019 hanggang Hunyo 2019, nasa 14 ang unloading incidents at 12 ang service interruptions, mas mababa kumpara sa 49 unloading incidents at 13 service interruptions sa magka-parehong panahon ng 2018. - Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.