Dayuhan at 4 iba pa tiklo sa drug bust

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 10:35 AM

Bukod sa hinihinalang shabu, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng kush at colored tablets. Larawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Region III

Nauwi sa pagkakadiskubre sa isang drug den ang isinagawang buy-bust operation sa Angeles City, Martes ng madaling araw.

Sa isang subdibisyon nahuli ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Korean national, isang kawani ng Department of Social Welfare and Development at 3 iba pa.

Nakuha sa kanila ang tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu, 2 sachet ng hinihinalang kush at iba pang kagamitan.

Ipapasuri rin sa laboratory ang mga nakumpiskang 5 sachet ng colored tablet para malaman kung mga droga din ang mga ito.

Inihahanda na ng awtoridad ang mga kasong kahaharapin ng mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.