Bahagi ng restaurant sa QC, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 04:54 AM

MAYNILA—Nasunog ang bahagi ng isang restaurant sa Libis, Quezon City Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa kusina at agad naman itong naapula.

Maliit lang ang pinsala ng sunog na umabot sa unang alarma.

Wala namang nasugatan sa insidente na tinatayang nasa P5,000 ang pinsala.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.