ALAMIN: Ano'ng mapapala ng mga manggagawa sa service charge law?

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 04:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kamakailan ay naging batas na ang pagbibigay ng buong halagang nakolekta mula sa service charge sa mga empleyado ng restaurant at hotel. 

Ito ang Republic Act 11360 o Service Incentive Law, na sumusog sa Article 96 ng Labor Code of the Philippines. 

Ayon sa RA 11360, 85 porsiyento ng service charge ang nakukuha ng empleyado habang 15 porsiyento ang nakukuha ng pamunuan ng restoran, hotel o establisimyento para sa mga nabasag at nawalang gamit. 

Sakop sa batas ang mga waiter, line cook, pantry steward, o kahit tagahugas ng pinggan. 

"Ngayon pati 'yung nasa kusina, at hindi humaharap sa mga (kostumer), kasama sila (sa makakakuha ng service charge)," ani Del Prado sa "Usapang de Campanilla" nitong Lunes. 

Nakukuha ng empleyado ang service charge na nabibigay sa kanila kada 2 linggo hanggang 1 buwan, at paghahatian ito ng mga empleyado. 

Pero ayon kay Del Prado, dapat magkaroon ng kinatawan ang grupo ng empleyado sa isang establisimyento na maaaring mag-audit ng ibinibigay sa kanilang service charge. 

Ito aniya ay para matiyak na tama ang nabibigay na halaga sa mga empleyado. 

"Dapat magkaroon din ang kinatawan, ang mga manggagawa, lalo na doon sa mga establisimyento na may union... Dapat may pag-a-audit... para matiyak na kung ano ang pumapasok sa kompanya o establisimyento ay nakalaan sa mga manggagawa," ani Del Prado. 

Sa ngayon, binabalangkas pa ang implementing rules and regulations ng batas. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.