Biyahe ng tren ng LRT 2, limitado kasunod ng sunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2017 01:09 PM

May abiso ang pamunuan ng LRT Line 2 o 'Purple Line' sa mga pasahero nito.

Limitado ang biyahe ng mga tren nito ngayong Linggo, Agosto 20. 

Bumibiyahe lang ang tren ng LRT 2 mula Santolan station hanggang Cubao station, at pabalik.

Bunsod ito ng sunog na sumiklab sa linya ng kuryente ng LRT-Pureza station nitong gabi ng Sabado, Agosto 19.

Video courtesy of Neil Dalanon

Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez, posibleng tinamaan ng kidlat ang kable ng kuryente kaya ito nagliyab sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong Sabado.

Wala pang abiso kung anong oras babalik ang normal na operasyon ng LRT 2.-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.