DZMM coverage sa panahong may sakuna, ibinahagi

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2016 05:28 PM

Hindi lang paghahatid ng balita ang pangunahing misyon ng isang Radyo Patrol reporter tuwing may sakuna.

Tulad nina Radyo Patrol 45 Dexter Ganibe at Radyo Patrol 46 Johnson Manabat, noong humagupit ang Typhoon Yolanda at lindol sa Visayas taong 2013, naging daan sila para makapagbigay ng serbisyo publiko sa mga nasalanta.

Ibinahagi ni Ganibe kung paano niya aksidenteng natagpuan ang isang malaking fault line sa Bohol kakahanap ng istorya, at kung gaano kahalaga ang isang transistor radio tuwing sakuna.

Samantala, naranasan naman ni Manabat kung gaano kalaking pinsala ang idinulot ng Typhoon Yolanda sa Tacloban at sa mga taong nakatira dito. 

Ayon sa kanya, isa sa mga primaryang ginawa nila noon ay tulungan ang mga nasalanta na ipagbigay alam sa kanilang pamilya na sila ay ligtas. 

Canned goods, biskwit, pagligo sa poso, at pagtulog sa crew cab -- ilan lang ito sa mga naranasan nila Radyo Patrol 46 at 47 para maihatid ang balita sa mga nag-aalalang kapamilya. 

Ibinahagi din ni Ganibe at Manabat ang kanilang karanasan noong pumutok ang PDAF scam at pagkaka-aresto sa tatlong senador.

Panoorin:

Ipinagdiriwang ng DZMM ang ika-30 taon nito sa balita at serbisyo publiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.