PatrolPH

Pulis patay nang aksidenteng mabaril ang sarili sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2022 09:49 PM

Patay ang isang pulis matapos aksidenteng umanong mabaril ang sarili sa San Jose, Northern Samar.

Ayon sa mga awtoridad nitong Biyernes, nililinis niya ang kaniyang baril nang makalabit niya ang gatilyo ng kaniyang armas. Pumutok ang baril at tinamaan siya sa ulo.

Naabutan pa ang pulis na naliligo sa sariling dugo, at agad siyang isinugod sa hospital pero idineklara din ng doktor na patay na siya.

Nangyari ang insidente nitong Martes sa Barangay Balite, San Jose.

Kinilala ang nasabing pulis na si Police Corporal Mar Dino Estellero, 35, na naka-assign sa Northern Samar Police Provincial Office.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP ukol sa nangyaring insidente.—Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.