PatrolPH

Drayber ng ambulansya patay matapos maaksidente sa Biliran

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2022 03:04 PM

Patay ang drayber ng isang ambulansyang pag-aari ng bayan ng Caibiran sa Biliran matapos umano nitong mahimatay habang nagmamaneho at maaksidente, Huwebes ng gabi.

Nasa bandang Sitio Lupa, Barangay Calumpang sa Naval ang driver na si Roderick Cesora, 56, nang mahimatay ito pagdating sa kurbada at pababang bahagi ng kalsada, kuwento ng pahinanteng si Ariel Verunque. 

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/08/19/accident.jpg

Sinubukan umano niyang gisingin ang driver pero nabigo siya. 

Tuluyan aniyang dumausdos ang ambulansya at bumangga sa 2 nakaparadang motorsiklo.

Dinala pa ng mga rescuer ang drayber sa ospital ngunit dineklara itong patay na ng mga doktor. Ligtas naman ang pahinante.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidente.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.