San Juan Gym inilaan bilang 'mega swabbing facility'

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2020 01:29 PM | Updated as of Aug 19 2020 08:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Naglaan ng espasyo ang San Juan para sa isang mass testing facility na layong magsagawa ng COVID-19 tests sa kanilang mga residente. 

Inilaan muna ang San Juan Gym bilang mega swabbing facility, ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora. 

Matapos makuha ang sample, dadalhin ang specimen sa molecular laboratory. 

Ang nasabing pasilidad ay para sa mga frontliner, mga close contact ng nagpositibo sa COVID-19 at mga taga-San Juan na nakakaranas ng sintomas ng sakit. 

Nasa 500 indibidwal kada araw ang kayang mai-swab test sa lugar. 

Ayon pa kay Zamora, mas pinaigting nila ang contact tracing sa kanilang lungsod. 

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.