Pulis na nakialam umano sa QC buy-bust, inaresto

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2020 12:17 AM | Updated as of Aug 19 2020 12:48 AM

MAYNILA - Timbog ang isang pulis matapos umano nitong makialam sa buy-bust operation sa Mother Ignacia Ave. malapit sa Scout Albano St., Barangay South Triangle, Quezon City Martes ng gabi.

Ayon sa Kamuning police, nang aarestuhin nila ang isang drug suspek, bigla umanong nakialam ang isa pang pulis.

Iginiit nito na pulis din siya at hindi umano dapat arestuhin ang suspek dahil trabaho nila ito.

Sasampahan ng mga reklamong obstruction of justice at grave threat ang pulis.

Mahaharap naman sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nakuhanan ng nasa P68,000 na halaga ng hinihinalang shabu. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.