PatrolPH

'Parang tanga lang po': Binagong patakaran sa motorcycle barriers binatikos

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2020 02:42 PM | Updated as of Aug 19 2020 11:25 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Inulan ng batikos ang desisyon ng pamahalaan noong Martes ng gabi kung saan sinabi nilang hindi na kailangan pa ng motorcycle barriers sa mga magkaangkas at nakatira naman sa iisang bahay. 

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, tila bumalik na ang common sense ng IATF sa bagong desisyon na ito. 

"The barrier to common sense has finally been lifted. No IATF rule triggered the greatest resistance and launched the most jokes. And the fact that they stonewalled for a long time and stubbornly defended it, despite evidence to the contrary, inflicted damage on their reputation," ani Recto. 

Kaliwa't kanang batikos din ang inabot ng IATF mula sa motorcycle riders na iniraos pa ang pagbili ng barriers para lang makasunod sa patakaran. 

"Parang tanga lang po, may paganun-ganun pa kasi sila eh mag-asawa, gaya po namin mag-asawa naman po kami," ayon sa backrider na si Fernaliz Labasan.

Tinatayang nagkakahalaga ng P500 hanggang P700 ang bawat barrier, na isa umanong malaking halaga para sa mga pamilyang naghihikahos ngayong pandemya. 

"Panggastos na sana namin yon, syempre alam naman nila, walang trabaho to, ngayon lang uli papasok," ayom sa motoristang si Charles Baliwag.

Nilinaw naman ni Joint Task Force COVID Shield head Lt. Gen. Guillermo Eleazar na kailangan pa rin ang barriers kung hindi nakatira sa parehong bahay ang magkaangkas.

"Kailangan pa rin ang barrier doon sa hindi sila nakatira sa isang lugar at marami po 'yan. Sa panahon ngayon pamilyahan na ang hawaan ng virus. In essence, ito po ay additional safety net. Hindi naman masasayang yan, pwedeng gamitin yan ‘di lang sapilitan."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.