Kotse wasak matapos bumangga sa concrete barrier sa QC

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2020 05:13 AM

MAYNILA - Wasak ang isang kotse matapos bumangga sa isang concrete barrier sa Commonwealth, Quezon City nitong Martes ng gabi.

Ayon sa nagmamaneho, nakausli ang isang concrete barrier kaya tumama ang sasakyan.

Umikot ang kotse kaya mas lalo itong nasira.

Nagkabasag-basag ang windshield, at kumalat ang bubog sa highway.

Ligtas naman ang driver at sakay nito.

Galing trabaho ang sakay mula sa Caloocan, at pauwi na sana sa Sampaloc, Maynila.

Agad namang na-tow ang naaksidenteng sasakyan.

Ilan na ang naiulat na bumangga sa mga concrete barrier matapos ito ilagay ng mga awtoridad sa mga national highway sa Metro Manila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.