Divisoria dinagsa agad ng mga mamimili ngayong GCQ

Jeck Batallones, ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2020 05:15 PM

Dagsa na ang mga mamimili dahil bukas na rin ang mga mall sa Divisoria. Screengrab

MAYNILA — Naging normal at maingay na ulit ang mga kalye at negosyo sa Divisoria sa unang araw ng pagbalik sa general community quarantine (GCQ) ng National Capital Region (NCR). 

Dagsa na ang mga mamimili dahil bukas na rin ang mga mall sa Divisoria. 

Mahaba ang pila papasok sa malls dahil sa higpit ng security at safety check. 

Nagkaroon din ng operasyon laban sa mga trike, pedicab at e-bike. 

Halos 20 ang nasita dahil mahigit sa dalawa ang sakay at mataas maningil. 

Sa ilalim kasi ng GCQ, pinapayagan mamasada ang mga trike, pedicab at e-bike pero dapat dalawa lang ang pasahero.

Pero ayon sa isang nahuli, lugi sila kung isa lang lagi ang sakay.

"Mataas boundary namin eh," ani Joseph Andrino, e-bike driver.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.