Delivery rider na nagpadala umano ng P300,000 'shabu' arestado sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2020 01:10 PM

MAYNILA - Naaresto ang isang delivery app rider na nag-deliver umano ng mahigit P368,000 hinihinalang shabu sa Las Piñas City, gabi ng Martes

Ayon sa Southern Police District, mag-a-alas-8 gabi ng Martes nang maaresto ang suspek na si alyas "Kirat" na suot pa ang jacket ng pinagtatrabahuang kompanya. 

Naaresto din ang parokyanong si alyas Bong Bulong. 

Aabot sa 50 gramong hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa mga suspek. 

Ayon kay SPD Director Brig. Gen Emmanuel Peralta, nakakabahalang dumarami ang mga umano'y tulak ng droga sa kabila ng pandemya. 

Giit pa ng SPD, sinasamantala pa umano ng mga ito ang pagiging authorized person outside residence (APOR). 

Inatasan na ang mga tauhan na bantayan ang mga kahalintulad na insidente. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.