Police station sa Legazpi pinagbabaril, hinagisan ng granada

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2019 12:38 PM

Makikita sa larawang ito ang pinsalang iniwan ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army sa isang police station sa Legazpi City. ABS-CBN News

MANILA -- Pinagbabaril at hinagisan ng granada ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army ang isang police station sa Legazpi City, Linggo ng gabi. 

Nabutas ang bubong ng police community precinct 4 sa Barangay Taysan dahil sa bala ng M-203 grenade launcher. May ilang bintana ring nabasag. 

Natamaan din ng bala ang mga katabing bahay at simbahan.

Umabot ng nasa 4 na minuto ang putukan, ani Lt. Col. Aldwin Gamboa, hepe ng Legazpi police. 

Napapaligiran ng mga bahay ang police station. 

Ito na ang pangatlong beses na hinarass ang istasyon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.