Bangkay ng lalaki, natagpuan sa riles ng tren

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2017 10:44 AM

Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa riles ng tren sa Sta. Mesa sa Maynila, Sabado ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Roberto Gonzales, 40-anyos, dating residente ng lugar. Nakita ang kanyang bangkay na nakahandusay sa riles ng ren sa Barangay 630.

Ayon sa kapatid ng biktima, walang kasong kriminal at walang kaaway ito kaya laking gulat nila nang makatanggap ng tawag mula sa isang nagto-trolley sa lugar na patay na ito.

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakitaan ang bangkay ng apat na tama ng bala sa ulo at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.