Bagong pabahay, apela ng mga nasunugan sa Tondo

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2017 12:14 PM

Umaapela ng tulong sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang nasa 500 pamilyang nabiktima ng sunog sa Tondo nitong Biyernes.

Ilan sa kanila nagpalipas ng gabi sa bangketa at center island ng Road 10. Ang nakararami naman ay nagsisiksikan sa dalawang covered courts at barangay hall ng barangay 101 at 106.

Bukod sa pagkain, damit at gamit na tulugan, sana raw ay mabigyan sila ng bagong bahay na malilipatan.

“Nananawagan po kami na tulungan ninyo po kami Mayor Erap na bigyan mo naman po kami ng tirahan dahil kawawa ang aming mga apo, maliliit pa, mga sanggol pa,” sabi ng isa sa mga nasunugan na si Nora Ferro.

Umabot ang sunog sa ikalimang alarma.

Patuloy na iniimbistigahan ang awtoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.