2 holdaper, timbog sa Pasay

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2017 11:57 AM

Arestado ang dalawang lalaki na umano'y mga notorious na holdaper sa Pasay matapos magkasa ng isang follow-up operation ang mga pulis, Biyernes.

Ayon kay SPO2 Melvin Garcia, punong imbestigador ng kaso, nakatanggap ang mga awtoridad ng tip sa planong panghoholdap ng mga suspek na sina Benny Flores,22, at Jan Patrick Sayson, 25.

"Nang subukang lapitan ng mga pulis ang mga suspek ay biglang tumakbo ang mga ito, ngunit agad ding nahuli," saad ni Garcia.

Ayon sa mga awtoridad, nakuha mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 na baril, isang balisong, at ilang bala ng baril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.