PatrolPH

Matarinao Bay sa Eastern Samar, positibo sa red tide, ayon sa BFAR

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2022 05:51 AM | Updated as of Aug 18 2022 06:49 AM

Positibo sa red tide ang Matarinao Bay sa Eastern Samar, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sa ulat ng BFAR-8 noong Miyerkoles, positibo sa paralytic shellfish poisoning toxin ang mga nakuhang sample sa Matarinao Bay matapos ang isang laboratory examination.

Sakop ng mga bayan ng General MacArthur, Hernani, Quinapondan at Salcedo ang naturang baybayin.

Dahil dito, nagpaalala ang BFAR sa publiko na iwasan muna ang pagkuha, pagbili, at pagkain ng anumang klase ng shellfish at alamang o hipon sa nasabing dalampasigan.—Ulat ni Sharon Evite

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.