PatrolPH

Umano’y drug den sa Quezon City sinalakay; 6 suspek tiklo

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2021 06:23 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang umano'y drug den sa Barangay Krus na Ligas sa Quezon City.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 6 na indibidwal sa nasabing barangay. 

Batay sa paunang impormasyon mula sa PDEA-NCR, nakipagtransaksyon ang kanilang tauhan kay alys Mina, 54, tagapangalaga ng umano'y drug den. Nasa drugs watchlist din ang nasabing suspek. 

Nakuha sa kaniya at sa 5 kasamahan ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000.

May mga drug paraphernalia ring nasabat, na sinasabing pagmamay-ari ng mga parokyano na bumibili at gumagamit ng droga sa nasabing drug den.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.