Sevilla Bridge na nagdudugtong sa Maynila, Mandaluyong bukas na

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2020 06:32 AM | Updated as of Aug 18 2020 07:37 AM

MAYNILA - Bukas na muli ang Sevilla Bridge na nagdudugtong sa mga lungsod ng Maynila at Mandaluyong, at inaasahan itong tutulong sa pagluwag ng trapiko, lalo't balik general community quarantine na ang Metro Manila sa Miyerkoles.

Bagong-bago na ang importanteng tulay na nagdudugtong sa Sta. Mesa, Maynila at Shaw Boulevard sa Mandaluyong na parehong mataong mga lugar. 

 

Noong 2018, sinimulan ang reconstruction ng tulay dahil bukod sa luma na ito, ginagawa rin ang Skyway Project sa taas ng tulay. 

Sa loob ng halos 2 taon, bukas-sara ang tulay dahil sa mga construction na isinasagawa. 

Bago pa man simulan ang proyekto, nasa 40,000 na mga sasakyan ang dumadaan rito araw-araw.--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.