PANOORIN: Mga empleyado ng DOLE-Bicol, naglabasan matapos ang malakas na lindol

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2020 09:38 AM

Naglabasan papunta sa gilid ng kalsada ang mga empleyado ng DOLE-Bicol sa Legazpi City matapos ang malakas na pagyanig ng lupa, Martes ng umaga, Agosto 18, 2020. Jose Carretero, ABS-CBN News

Naglabasan ang mga nagoopisina sa Department of Labor and Employment Bicol sa Legazpi City matapos yanigin ng malakas na lindol, Martes ng umaga.

 

Ayon kay Art Corbe, chief ng Technical Support Services Division, may kalakasan ang lindol kaya lumabas ang mga empleyado at kliyente ng ahensiya.

Naghintay sila ng 5 minuto bago muling bumalik sa loob ng gusali.

Wala namang naitalang pinsala sa gusali.

Ang ilang mga nagtatrabaho sa mall at hotel sa Albay District ay nagsilabasan din.

Base sa ipinalabas na bulletin ng Phivolcs, naitala sa magnitude 6.5 ang lindol sa Cataingan, Masbate habang intensity 4 naman ang naramdaman sa Legazpi City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.