PatrolPH

16 miyembro umano ng BIFF sumuko sa militar

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2020 06:04 PM

Labing anim na mga miyembro umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Ang pagsuko ng mga BIFF member ay pinangunahan ng isang commander Guiabar Simpal.

Sumuko ang mga ito sa 33rd Infantry Battalion na sinaksihan rin ng pulisya at ng lokal na mga opisyal ng Datu Abdullah Sangki.

Kasamang isinuko ng mga BIFF member ang kanilang mga armas.

Nanumpa rin ang mga ito sa banal na Quar’an na hindi na babalik sa pag-anib sa BIFF.

Nagpaabot naman ng paunang tulong ang lokal na pamahalaan para sa kanilang umano'y pagbabagong buhay. 

Mula Enero nitong taon hanggang sa kasalukuyan, nasa 100 BIFF members na ang sumuko sa militar sa Central Mindanao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.