Rapper timbog sa buy-bust sa Angeles City

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 12:46 PM

Naaresto ng mga awtoridad nitong madaling araw ng Linggo ang isang rapper sa buy-bust operation sa Angeles City.

Kinilala ang suspek bilang si Arnly Dimabuyu o mas kilala bilang si "Xander Bay," isang social media artist at rapper.

Si Dimabuyu ang suplayer ng droga sa mga party at club sa lungsod, ayon kay Gil Pabilona, direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Luzon.

Nakuha sa suspek ang mga hinihinalang ecstasy tablets na nagkakahalagang P16,000, isang sachet ng hinihinalang marijuana, at P500 marked money.

Itinaggi naman ni Dimabuyu na gumagamit at nagbebenta siya ng ilegal na droga.

Sasailalim sa drug test ang suspek, na mahaharap umano sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. -- Ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.