P340,000 droga nakuha sa high-value target sa Taguig

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 09:52 AM

MANILA -- Nakuha ang P340,000 na halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang high-value target sa Barangay Lower Bicutan, Taguig ngayong Linggo. 

Nagbenta ng droga ang suspek na si Alfredo Roque Riñoza sa undercover na pulis sa isang floating food park sa C-6 Road. Nang aarestuhin na, tinangka pa niyang bumunot ng baril, pero agad itong nakuha ng operatiba, ayon sa pulisya. 

Nasa 50 gramo anila ng hinihinalang shabu ang nasamsam kay Riñoza na konektado sa iba't ibang criminal gang gaya ng Macmac Boratong drug group na may operasyon sa Pasig at karatig lungsod. 

Konektado rin umano ang suspek sa high value target ng Manila Police District na napatay sa engkuwentro sa mga pulis noong nakaraang taon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.